Linggo, Abril 26, 2015

CLASH OF CLANS : NAUUSONG LARO NG KABATAAN



CLASH OF CLANS : NAUUSONG LARO NG KABATAAN 



              ATTACK.. CLANS .. UPGRADE .. TH .. pamilyar na ba kayo sa mga salitang ito?  Madalas nyo bang naririnig ang mga salitang ito sa inyong anak, estudyante kapatid, o kapitbahay? Minsan ba ay nahuhuli mo ang iyong anak na maghapon na sa paglalaro ng gantong game sa cp?. Clash of Clans, COC .. you name it, ito na yata ang pinakasikat na online mobile game sa mga kabataan. 
     
           Ano nga ba ang "Clash of Clans" ?  Ang  CLASH of CLANS ay isang napakasikat na software game sa iPhone, iPad, iPod at Android. Ito ay ginawa ng Supercell, isang video game company na bihasang-bihasa talaga sa paggawa ng gaming platforms. Mas binigyan nila ng pansin ang paggawa ng laro na gagamitan ng tablet dahil naniniwala sila na mas masaya at mas nakakaengganyo maglaro kapag ito ang gamit mo. Sila lang naman ang gumawa ng Hay Day. Isang laro rin na nadada-download sa Appstore at Playstore na naging hit at top grossing pa dahil ito ay kinagiliwan sa 78 na mga bansa sa buong mundo. Kakaibang tagumpay rin ang natamo ng Supercell nang kanilang magawa at ilabas sa publiko ang larong Clash of Clans dahil sa 122 na mga bansa naman ito namamayagpag ngayon.
               
        Naging available sa ibang bansa sa iTunes nang libre ang Clash of Clans noong Agosto 2, 2012. Ito rin ‘yung mga panahon na nailabas na ang v1.7 para sa mga Apple users. Oktubre 13 noong nakaraang taon naman naging available ang nasabing laro sa Google Play Store at puwede nang malaro ng mga Android users. Ang larong ito ay puwedeng maisalin sa mga iba’t ibang wika tulad ng English, German, Italian, Turkish, Dutch, Spanish, Norwegian, Japanese, French at Chines: mga lengguwahe na ginagamit sa buong mundo. Kaya hindi naman kataka-taka kung bakit matindi ang “Clash of Clans Fever” hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa mga ibang bansa.


http://resource.supercheats.com/library/clash-of-clans/clashofclans_0197.jpg


Paano nilalaro ang Clash of Clans? 

Simple lang, mula rin sa pangalan ng laro, magkakaroon ka ng ideya kung paano laruin ito. Ito ay isang “strategy game” kung saan ang mga manlalaro ay puwedeng gumawa at palakihin ang kanyang ‘village’. Puwede rin siyang mag-‘unlock’ ng mga makapangyarihang ‘warriors’ at ‘defenses’. At sila ang gagamitin mo upang makapag-raid ng mga ‘resources’ mula sa mga katabi at karatig   na 'villages'.                                                          
                                                                      
Ano ba ang meron dito sa larong COC at na "hu hook" at nahuhumaling ang madaming kabataan? 


Sa katunayan, maituturing na "all ages" ang larong ito.. mapabata o matanda ay naglalaro nito. Basta't marunong kang humawak ng cp, tablet, ay pwede kang maglaro nito dahil ito ay libreng maidadownload lang. Ngunit inililimit lang sa edad na 9 pataas ang mga kwalipikadong maglaro nito. Ang larong ito at inilarawan na "magnificently designed" dahil narin sa magandang pagkakagawa ng graphics nito at "highly entertaining" dahil ang maliit na village sa     simula (larawan sa kaliwa) ay maari mong    mapalago at maging katulad ng nasa kaliwang      larawan sa baba. Isa pang nakakadagdag sa thrill ng larong ito ay pagkakaron ng "clan" na pwedeng salihan ng bawat COC player. Pwede kayong magset ng war at makakatulong ang kooperasyon ng miyembro ng clan at masusing strategy upang maipanalo ang war laban sa kalabang clan. Meron din itong chatbox katulad ng facebook         kung saan pwede mung makachat ang ibang Pilipino at dayuhan na naglalaro din ng COC.



Maganda ba o masama ang epekto ng larong COC sa mga kabataan?

Ang larong COC ay isang libangan at nakaka 'challenge' na laro. Madaming bata ang inuubos ang oras nila sa paglalaro ng coc sa kanilang cp na malimit pagsimulan ng problema sa bahay, paaralan dahil na rin nakakalimutan na ng mga kabataan ang mga bagay na mas importante pa kaysa sa paglalaro ng COC. Madaming grupo na ang tumutuligsa at ninanais na i-ban ang popular na laro katulad ng Concerned Parents and Citizens Organizations dahil na rin sa di magandang epekto ng laro sa kabataan. Ginagawang biro na rin ang "clash of clans rehabilitation center" na para daw sa mga taong sobra na ang pagkahumaling sa larong COC na kumakalat sa mga social network sites.

http://trendingnow.altervista.org/wp-content/uploads/2014/11/b5a2b3c5299471.jpg



Base sa aking personal na karanasan, sa una ay nagtataka ako kung bakit ang pinsan ko ay tutok na tutok sa larong ito na para sa akin ay hindi kaintereteresado. Dahil na rin sa kuryosidad ay nag try akong laruin ang nasabing laro at sa simula ay nakaka boring. Pero sa kalaunan, ay nadama ko ang tinatawag na "Clash of Clans Fever" ng ito ay aking maunawaan. 

Hindi lang naman masasamang epekto ang naidudulot ng paglalaro ng clash of clans. Meron ding itong maituturing na "educational values". Ayon sa Tech Guide for Parents, natututo ang mga naglalaro nito na maglaan ng oras panahon at maging mapagpasensya para magtagumpay sa laro. Makikita din nila ang resulta ng mabuting pagpaplano .Natutuhan din nilang mag analisa sa sitwasyon at gumawa ng desisyon base dito. Higit sa lahat ay natutuhan din ang kahalagahan ng kooperasyon at pagtutulungan. Maaaring may di magandang epekto ang larong COC ngunit sa kabilang banda, mayroon ding itong mabuting epekto sa mga naglalaro nito. Nasa mga magulang ang desisyon kung papayagan nilang maglaro ang kanilang anak, ngunit mahalaga ang gabay at patnubay lagi ng mga magulang.